How to cook ginisang munggo

GINISANG MUNGGO

By:Shiela Rabino

Mga sangkap
2 tasa ng nilutong munggo (PAKULUAN ITO HANGGANG SA NATATANGGAL NA ANG BALAT AT ITAPON ANG MGA BALAT NA UMIIBABAW SA TUBIG HABANG ITO AY NILALAGA)
Talbos ng ampalaya, puwedeng malunggay o kaya ay alugbati o pechay
1/4 kilo taba at laman ng baboy o puwede ding isda, manok o baka
1 kutsarang vegetable oil
1 kutsarang bawang,dinurog
1 piraso ng sibuyas, hiniwa
1/2 tasa ng kamatis,hiniwa
2 tasa ng hugas bigas
asin (tinimpla ayon sa panlasa)

Paraan ng Pagluto
Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Igisa din ang karne ng baboy. Idagdag ang pinakuluang munggo at hugas bigas. Pakuluan sa loob ng tatlong minuto.Haluin habang niluluto. Isama ang talbos ng ampalaya. Lagyan ng asin, ayon sa panlasa. Kung gusto mas magiging malasa ay maglagay ng ginisa mix o kaya ay maggi magic sarap Lutuin sa loob ng tatlong minuto.

Leave a comment